Ang paglapastangan ni GMA kay Jose Rizal
Ang Dec. 30 ay araw na ginugunita ng bayang Pilipino ang kagitingan ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.
Ito ang araw na binaril si Rizal sa Luneta dahil sa kanyang mga sinulat na gumigising sa mamamayang Pilipino sa pang-aapi na ginagawa ng mga kastila. Ipinaglaban ni Rizal hanggang sa kamatayan ang katotohanan
Ngunit noong Dec. 30, 2003 sa Baguio City,Replica watches, sinabi ni Arroyo sa harap ng monumento ni Rizal na hindi siya tatakbo sa 2004 na eleksyon dahil nakita nyang yun ang sanhi ng pagkawatak-watak ng bayan.
Ilang buwan ang nakalipas, inanunsyo niya na tatakbo siya. At hindi lang siya tumakbo. Nandaya pa. Ninakaw pa ang boto na hindi kanya.
Mula noon patong-patong na kasalanan pa ang kanyang ginawa para lamang martakpan ang ginawa niyang pandaraya. Ang daming nasirang career sa military. Maraming buhay ang na-apektuhan. Kasama na ang mga inosente.
Kasama na doon sa naapektuhan ang limang enlisted na Army Rangers na tinanggal sa serbisyo noong Dec. 15. Araw ng kapaskuhan.
Ang lima ay sina Sgt. Orlando A. Valencia,nike shoes, Cpl Walter A. Francisco, Cpl Ramon P. Perania Jr.,Cpl Reynaldo C. Pacete, and Pfc Leon N. Ones Jr.
Halos magdalawang taon silang ikinulong na walang charges. Tapos, noong Biyernes, nakatanggap sila ng sulat na tanggal na raw sila mula noong Dec. 25, 2007. Ang order ay pirmado ni Brig. Gen. Ralph A. Villanueva, chief of staff ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Alexander Yano. Chief of staff ni Yano si Villanueva.
Ang lima ay kasama sa 40 na enlisted men na inuutos ni AFP Chief Hermogenes Esperon na ikulong dahil sa insidente noong Feb. 2006 nang may mga opisyal na nagplanong mag-martsa kasama ng mga sibilyan at hilingin na magbitiw si Arroyo dahil naibulgar sa pamagitan ng “Hello Garci” na peke siyang presidente.
Walang pruweba si Esperon na kasama yung mga enlisted personnel kaya kinulong lang niya at hindi sinampahan ng kaso. Siguro akala nila magagamit nila ang mga enlisted personnel laban kina Brig. Gen. Danilo Lim,wholesale sport shoes, ang lider ng Rangers na nakakulong.
Kaso hindi pumayag itong mga enlisted personnel na gagamitin sila kasinungalingan. Kaya pinagtatangal sila. Una ang 26 noong Oktubre. Sunod ang siyam noong Nobyembre (ang pito raw pinayagan raw bumalik sa serbisyo). Ngayon itong lima.
Isa sa lima ay si Cpl Reynaldo Pacete, na nabigyan ng medalyang Gold Cross dahil sa kabayanihang kanyang ipinakita sa pagsalakay ng kuta ng Abu Sayyaf sa Camp Abdurajak sa Basilan noong taong 2000.
Dahil sa kabayanihan ng mga sundalo katulad ni Cpl Pacete, kanilang nailigtas ang 28 na hostages ng ASG.
Noong Biyernes,Wholesale Gucci, tinanggal si Pacete sa serbisyo “without honor”. Dishonorable discharge Wala siyang natanggap na retirement benefits sa mahabang taon na serbisyo niya sa military.
Masaya kaya sina Villanueva, Yano at Esperon sa kanilang ginawa?
in-defense-of-yano.doc