Archive

Posts Tagged ‘Hermes Bracele’

Babala sa mga magbubulgar ng katiwalian ng mga Arr

November 17th, 2009 admin No comments

Pambihira namang buhay ito. Sina Joey De Venecia na nga at Jun Lozada ang nagbulgar ng katiwalian sa $329 milyon na NBN/ZTE deal, sila pa ngayon ang kakasuhan.

Si Gloria at si Mike Arroyo naman ay libreng-libre dahil wala raw makitang ebidensya, sabi ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon committee.

Ano ba naman itong si Gordon? Mataas ang respeto ko sa kanya dahil sa kanyang ginawa sa Subic kung saan ginawa niyang industrial at tourism hub nang inalis ang U.S military base noong 1992.

Nakita ko rin kung gaano kasipag si Gordon. Minsan tumawag ako sa kanya hatinggabi dahil may kaibigan kaming banyaga na sinasalubong sa airport at hindi naming makita, tinulungan niya kami.

Ang kanyang asawang si Kate,LV Wallets, napakabait. Tinulungan ako niyan ng mabalitaan niyang maysakit ako.

Kapag humingi kami ng tulong para sa mga kaibigang maysakit na ginagamot sa PGH, hindi na ako kailangan magdalawang salita,Wholesale Prada, kahit holiday,Marc Jacobs Handbags, pinapatrabaho ni Sen. Gordon ang kanyang mga tauhan para matulungan ang mga nanganga-ilangan na nilalapit namin sa kanya.

Sa maikling salita, mataas ang tingin ko.

Kaya nadismaya ako sa nakita ko noong Martes sa televised hearing ng Senate Blue Ribbon committee sa NBN/ZTE deal. Yun ang kauna-unahan at pinakahuli na rin na hearing sa ma-anomalya na bilyun-bilyung kontrata na yun ng telecommunication project sa Chinese na kumpanya sa kanyang pamumuno. Dati kasi si Sen. Alan Cayetano ang chairman.

Noong isang lingo, nilabas ng Ombudsman ang resulta ng kanilang imbestigasyon ng NBN/ZTE. Nakakadismaya rin. Nirekomenda ng Ombudsman na kasuhan si dating Comelec Chairman Bejamin Abalos na siyang nag-broker ng deal at si dating NEDA Director Romulo Neri. Ibinulgar ni Neri ang alok ni Abalos na P200 milyon para ma-aprubahan ang kontrata ng ZTE.

Ngunit sinabi ng Ombudsman na wala raw ebidensya laban kay Mike Arroyo na siyang partner ni Abalos sa deal na ito. Si Gloria Arroyo naman daw ay may immunity sa mga kasong criminal dahil president siya, sabi ng Ombudsman.

Nakakadismaya na nga ang ganun. Ito naman si Gordon sabi niya dapat daw si House Speaker Jose de Venecia , and anak niyang si Joey, isang telecommunications na negosyante,Hermes Bracelets, at si Rodolfo “Jun” Lozada, dating hepe ng Philippine Forest Corporation na kinuhang consultant ni Neri, ay kasuhan din dahil may kinalaman daw sila sa ma-anomalyang proyekto.

Galit siya sa mag-amang De Venecia. Ginamit daw ni Joey ang posisyon ng tatay niya para makakuha ng kontrata sa gobyerno.

Alam ko ito ang gusto ng mga Arroyo para makaganti sa pagbulgar ni Joey de Venecia at ni Lozada ng kanilang katiwalian.

Ayaw kung isipin na nagpapagamit si Gordon sa Malaca?ang. Para ano?

Categories: Uncategorized Tags: